HANDA na si Philippine chess wizard Herson S. Bangay, Grade 1 pupil ng San Isidro Elementary School, Lipa City, Batangas at top player ng Golden Mind Chess Club, sa pagtulak ng 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City sa Hunyo 18-28.

Target ni Herson, anak ni G. Nelson S. Bangay ng Barangay San Isidro, Lipa City, Batangas, na makopo ang pinakamimithing gintong medalya kung saan tampok ang 500 na mga kabataan manlalaro na nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng bansa kasama na ang ASEAN region.

Si Herson ang top Under six years old and below top notcher sa Golden Mind Chess Club tournament sa Lipa City, Batangas ay sariwa pa sa pamamagyapag sa Alphaland chess tournament sa Makati City sa kanyang age group bracket.

Nasa kandili ni Alexandro “Allan” Osena, presidente ng Golden Mind Chess Club at ng Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA, makakasama ni Herson sa koponan si Alexis Anne Osena, pambato ng Colegio de San Juan de Letran, Manila, gold medalist din sa ASEAN Age group chess.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nitong nakaraang edisyon sa Pahang, Malaysia, nakamit ng Pilipinas ang over-all title na matagal ng pinagharian ng Vietnam sa paglikom ng 83 gold, 37 silver at 29 bronze medal performance.

Kumpiyansa si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. na magbibigay ng magandang laban ang bansa kung saan tampok ang 10 bansa na sasabak sa 14 age group under kasama na ang junior division at two age groups sa senior division.