Ni Czarina Nicole O. Ong

Sino ang susunod na Ombudsman? Ilang linggo na lamang ang nalalabi bago matapos ang termino ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, at nakaabang na ang taumbayan kung sino ang papalit sa kanyang puwesto.

Tinanong si Morales kung anu-anong mga katangian ang dapat taglayin ng isang Ombudsman, sa justice and integrity forum na idinaos sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City, nitong Martes.

“If I give an answer to that, I’d probably be saying that I am that kind of person who deserve to be Ombudsman,” aniya.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Dahil sa dami ng trabahong kailangang haraping ng isang Ombudsman, sinabi ni Morales na pinakamahalagang katangian ang pagiging masipag dahil ang kanyang trabaho ay nagsisimula “at sunrise and ends on sundown.”

“Even if you work on Saturdays, you will not be able to finish your work.

“One has to be impervious to pressure. One has to have integrity. You may be the brightest fellow in the world, but if you don’t have integrity, then forget it,” patuloy niya.

“You have to have confidence and you have to have integrity,” diin niya.

Ipinagmalaki ni Morales ang kanyang work ethic, at umaasa na tataglayin ito ng kanyang magiging kapalit. “I follow the rule of law and my work,” aniya.

Hiningian din ng opinyon si Morales sa nominasyon ni Associate Justice Teresita De Castro ng Supreme Court bilang susunod na Ombudsman.

“For as long as a person is not disqualified, he or she can be nominated,” sagot niya.

SELF-NOMINATION

Samantala, ni-nominate ni Special Prosecutor Edilberto Sandoval ang kanyang sarili sa puwesto ng Ombudsman.

Sinabi ng dating Presiding Justice ng Sandiganbayan sa mga mamamahayag na natanggap niya ang kanyang application noong Mayo 3, at piniling i-apply ang sarili sa halip na ang ibang tao.

“I want to be clear, na just in case may public officer na nag-nominate sa akin, mabe-beholden ako. So I applied [myself],” ani Sandoval.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sandoval bilang special prosecutor noong Hulyo 2017. Magtatapos ang kanyang termino, kapag pinili niyang ipagpatuloy ito, hanggang sa 2024.