Ni GENALYN D. KABILING, ulat ni Mary Ann Santiago

Nagpapatuloy ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tiwali sa gobyerno, kaya naman nagpasya siyang huwag nang bigyan ng “publicity” ang mga ito.

“Marami akong napaalis sa corruption. Mayroon bago. It has nothing to do at all with any other reason. I just don’t want to make publicity out of it,” sinabi ni Duterte sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng militar sa Malacañang nitong Martes ng gabi.

“Ang masakit nito, most of those I have dismissed actually were the very same people that urged me to run in the first place. Sila ‘yung pabalik-balik ng Davao, sila ‘yung udyok nang udyok,” ani Duterte.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I won the presidency not because of anybody. And that is why to our credit, pati kayo na, nobody but nobody, no politician ever, ever calls me or intercedes for anybody in matters that are, I said, within your jurisdiction. I have never succumbed to that policy and it will continue until the last day of my term,” anang Pangulo.

BAGONG TOURISM CHIEF

Ito ang naging pahayag ng Pangulo makaraang tanggapin ang pagbibitiw sa puwesto ni Tourism Secretary Wanda Teo sa harap ng kontrobersiya sa P60-milyon ad placement ng kagawaran sa TV program ng mga kapatid nito.

Kaagad namang pinalitan ni Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo-Puyat si Teo bilang bagong kalihim ng DoT.

“I’m honored and overwhelmed that he actually thought of me and thought of getting me in this position. I will not disappoint him,” sinabi ni Puyat sa isang panayam sa telebisyon.

Ayon kay Puyat, ang tanging habilin sa kanya ng pangulo nang tanggapin niya ang posisyon ay tiyaking walang mangyayaring kurapsiyon sa DoT.

Tumanggi ring magbigay ng komento si Puyat sa plano na muling idaos sa Pilipinas ang Miss Universe ngayong taon, dahil nais muna umano niyang makita ang plano.