Ni Jeffrey G. Damicog

Sinimulan na ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasanay sa mga hukom na itinalaga sa labas ng Metro Manila upang higit na maunawaan at buong husay na matugunan ang mga kaso ng cybercrime.

Nagsagawa ang Office of Cybercrime (OOC) ng DoJ ng Introductory Training on Cybercrime and Electronic Evidence for Judges, na sinimulan nitong Martes sa Cebu, at magtatapos ngayong Huwebes.

“The three-day training will provide cybercrime court judges with the current landscape in handling cybercrime and cyber-related cases, including varied discussions on jurisdiction and electronic evidence,” saad sa pahayag ng DoJ.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Isinagawa ng DoJ-OOC ang pagsasanay sa pakikipagtulungan ng Korte Suprema, at ng Global Action on Cybercrime Extended (GLACY+) Project.

Inimbitahan ang mga eksperto mula sa hudikatura at DoJ bilang mga resource speaker at facilitators sa mga paksang gaya ng Cybercrime Law, ng Budapest Convention on Cybercrime, ng tungkol sa electronic evidence, digital forensics, at iba pa.

Kabilang sa mga sumailalim sa pagsasanay ang mga hukom na nakatalaga sa labas ng National Capital Judicial Region (NCJR).