Ni Orly L. Barcala

Dahil sa labis umanong selos sa nobya, nagbigti ang isang babae sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng tanghali.

Patay at nakabigti nang madiskubre si Mary Grace, 17, ng kanyang kapitbahay na si Jinelyn, nasa hustong gulang, sa bahay nito sa No. 4 J.P. Rizal Street, Arty Subdivision, Barangay Karuhatan ng nasabing lungsod, dakong 11:50 ng tanghali.

“Panay po ang tawag ko kay Mary Grace, pero walang sumasagot kaya nagpasya na akong pumasok sa loob ng bahay,” ayon kay Jinelyn.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, tinawag ni Jinelyn ang nobya ng biktima, si Genelyn, na siyang humingi ng tulong sa Police Community Precinct (PCP) 9.

Sa impormasyong natanggap ni SPO3 Alexander C. Manalo ng Station Investigation Unit (SIU), bago nadiskubre ang bangkay ng biktima ay nag-away sina Genelyn at Mary Grace dahil sa selos.

Makailang beses na rin umanong nagtangkang magpakamatay si Mary Grace.