MUKHANG may gustong iparating si Justin Bieber sa publiko, isang araw makaraan ang star-studded 2018 Met Gala.
Nitong Martes, nag-post si Bieber sa Instagram ng mensahe tungkol sa mga celebrity sa social media, partikular sa “glamorous lifestyles” na kanilang ipinapakita.
“Hey world, that glamorous lifestyle you see portrayed by famous people on Instagram don’t be fooled thinking their life is better than yours I can promise you it’s not!” nakasaad sa post ng 24 taong gulang na mang-aawit.
Dahil nga ginanap ang celebrity-packed Met Gala nitong Lunes ng gabi, sadyang iisipin ng ilang fans na ang post ni Bieber ay tungkol sa high-profile event. Ang nakapagtataka, dumalo na si Bieber sa Met Gala noong 2015, suot ang kanyang unbuttoned shirt at sa after-party noong 2016.
“They prob all had a sh** time at the met but they gotta look happy on the gram,” komento ng isang netizen sa post.
Binanggit din ng ilang Instagram followers na dumalo sa event ang dalawang ex- girlfriends ni Bieber – ang 21 taong gulang na si Hailey Baldwin at ang 25 taong gulang na si Selena Gomez.
Mag-isang dumalo sa Met Gala si Selena ngunit kalaunan magkakasama na sila ng kanyang mga kaibigang sina Gigi Hadid at Kylie Jenner, samantalang kasama naman ni Baldwin ang rumored boyfriend nitong si Shawn Mendes.
May pumuri rin naman sa ipinost ni Bieber.
“Life ain’t easy for anyone,” sabi sa isang comment. “For once someone is talking and posting facts and not just appearance, especially here on Instagram where everything is based on how good you and your life appear to other people. Wise words.”
“Just throw the whole gram away, with the fakes and the phonies,” suhestiyon ng isang follower.
Ilang buwan nang malayo si Bieber sa spotlight, bagamat aktibo pa rin siya sa social media. Nitong nakaraang linggo, nagpakita siya ng suporta kay Kanye West, nang mag-post ito ng mga kontrobersiyal na tweet tungkol sa kanyang pagmamaghal kay President Donald Trump at dahil na rin sa kanyang headline-making interview, na nabuking ang kanyang pakikipalaban sa opioid addiction, pananaw sa race relations, at opinyon na ang slavery ay “a choice.”
“Our job is to love not to always agree!” post ni Bieber sa kanyang Instagram Stories. “Love you Kanye!”
Samantala, sinabi ng isang source sa ET nitong Abril na in good terms naman sina Gomez at Bieber, kahit na hindi pa tama ang panahon para sa isang seryosong relasyon, ulat ng Entertainment Tonight