Ni Leandro Alborote

GERONA, Tarlac – Isang lalaking may epilepsy ang nalunod sa isang resort sa Barangay Pinasling, Gerona, Tarlac, nitong Martes ng hapon.

Isinugod pa sa Sacred Heart Hospital si Danilo Valete, binata, ng Bgy. Matayungcab, Gerona, Tarlac, ngunit binawian din ng buhay.

Dahil sa matinding init ng panahon, nagpasya ang pamilya Valete na maligo sa isang resort sa naturang lugar.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Ayon kay Lorna Ramos, kapatid ng biktima, lumusong si Danilo sa swimming pool at hindi na lumutang at tuluyang nalunod.

Sinumpong umano si Valete ng epilepsy kaya nalunod.