Ni Chino S. Leyco

Simula sa susunod na linggo ay tatanggap na ng mid-year bonus ang mga kawani ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi kahapon ni Budget Secretary Benjamin E. Diokno na mahigit 1.5 milyong empleyado ng pamahalaan ang tatanggap ng kanilang bonus ngayong taon, na katumbas ng isang buwan nilang suweldo.

Ayon sa kalihim, naglaan ang gobyerno ng P36.2 bilyon para sa mid-year bonus ng mga empleyado nito.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Batay sa Budget Circular No. 2017-2, tatanggap ng mid-year bonus ang empleyado kung nakaabot na ito ng mahigit apat na buwang serbisyo simula Hulyo 1, 2017 hanggang Mayo 15, 2018.

Dapat din na aktibo pa rin sa serbisyo sa pamahalaan ang kawani hanggang sa Mayo 15, 2018, ayon sa DBM.

Dapat rin na mayroong kahit paano ay satisfactory performance rating ang empleyado sa nasasaklaw na performance appraisal period, ayon sa DBM.