Ni Marivic Awitan

NAGURLISAN sa ikaapat na pagkakataon sa limang laro ang Gilas Pilipinas Cadets sa ginaganap na 2018 Chooks-to-Go Filoil Flying V Preseason Cup sa kamay ng nakatunggaling University of the Philippines, 72-78, nitong Martes ng gabi sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Dahil sa kabiguan , nanganganib na hindi umabot ang Gilas cadets sa quarterfinals.

Gayunman, hindi nababahala ang coaching staff ng koponan sa mga pangyayari.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“We faced three strong teams first. Even now, we were leading but we can’t close the games out, but that’s just part of the growing pains of the young ones playing together and also me learning their strengths and weakneses,”pahayag ni coach Jong Uichico.

Lumamang pa ng 16 ang Nationals sa third quarter, 50-34, ngunit nagawa iyong burahin ng Fighting Maroons sa fourth quarter para maagaw ang panalo at ito’y sanhi ng kakulangan sa maturity ng team ayon kay Uichico. .

“Mature teams or teams who have been together will know how to get away from that situation. But we lost by four points with probably five practice days before entering the tournament, generally I’m OK with that,.”

“Right now, we don’t know who to go to when we need a basket. We just run the offense and see what shot is available to us at that available time, but if we have a go-to guy, it could’ve been easier,” aniya.

Ayon pa sa beteranong mentor, bahagi ng pagsali nila sa Filoil na makita ang kakayahan ng mga players at malaman ang kanilang lakas maging ang kanilang kahinaan na hindi nila magawa sa ensayo dahil sa limitadong panahon na meron sila.