PNA

MATAGAL nang ninanais ng ilang residente ng Barangay Dan-ar, Santiago, Ilocos Sur na makawala sa kahirapan, hanggang sa dumating nga sa kanilang lugar ang isang oportunidad na hindi nila inaasahan.

Sa ilalim ng sustainable livelihood program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 23 benipisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program(4P’s) sa barangay ang bumuo ng isang samahan nang sumailalim sila sa isang pagsasanay tungkol sa chicken egg production.

Binubuo ang asosasyon ng mga karpintero, magsasaka, at ilang maybahay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Makalipas ang isang taon, ang egg farming facility ng Dan-ar Poultry Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) na ang kasalukuyang ang nagsu-supply ng dekalidad na mga itlog para sa buong barangay. Kada araw, nakapaglalabas ang manukan ng apat hanggang sampung tray ng itlog na naibebenta sa halagang P140 hanggang 170 ang kada tray depende sa laki.

Kabilang sa mga regular na sinu-supplyan nila ng itlog ang mga gumagawa ng miki (rice noodles) na paboritong meryenda ng mga Ilocano, mga school canteen, at mga may-ari ng tindahan.

Nagugunita ni SLPA president Jocelyn Manzano na pakatapos ng training, nagdesisyon ang samahan na magtayo ng sarili nitong poultry lalo’t mabenta ang mga itlog sa tindahan, hanggang sa lumago na nga ang negosyo.

Sa tulong ng DSWD, nabigyan ang samahan ng starter kits kabilang ang 300 egg-laying chicken, 150 kaban ng patuka at galvanised roof sheets para sa bubong ng poultry.

Bawat miyembro ay nagbigay naman ng kawayan upang mabuo ang mga kulungan ng manok habang nakatalaga ang bawat isa sa kanila na magbantay sa poultry ng 24 oras.

“We have good working relationship among ourselves that is why, we foresee the expansion of our poultry,” sabi ni Manzano.

Ang 40 porsiyento ng kinikita ng grupo, na P5,000-P15,000 kada buwan, ay pinaghahatian ng bawat miyembro habang ang natitirang 60% ay itinatabi.

Ayon kay Mansano, ginagamit nila ang naiipong kita para sa instilasyon ng kuryente, pagbili ng dagdag na mga inahing manok,at papapatayo ng kubo na maaaring tuluyan ng miyembro na nakatalaga sa poultry.

Nagbabayad din ang grupo ng P1,000 para sa upa sa lugar kada taon. At dahil tumataas ang kanilang kita, plano ngayon ng asosasyon na bumili ng electric pump na magagamit sa pagsu-supply ng tubig sa manukan.

“Our business helps our family because the share of each member usually goes to our children’s school allowance,” dagdag ni Manzano.