Ni Beth Camia

Bumalik na kahapon sa kanyang trabaho si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay nang matapos na niya ang mga paghahanda sa impeachment complaint sa Senado, kasunod ng inihain niyang leave.

Nilinaw ni Atty. Carlo Cruz, abogado ni Sereno, na ginamit ng huli ang leave nito upang paghandaan ang inihaing reklamo ni Atty. Larry Gadon, na muli niyang iginiit na walang basehan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Chief Justice Maria Lourdes Sereno returns today to the Supreme Court after completing her preparation for her legal defenses against the baseless impeachment complaint filed against her. She is ready to face her accusers in the Senate, sitting as an impeachment court, to defend herself and tell the Filipino people the other side of the story: the truth,” ani Cruz.

Bumalik sa Korte Suprema si Sereno ilang araw bago pagbotohan ng mga kapwa niya mahistrado ang quo warranto petition laban sa kanya.