Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY – Kahindik-hindik ang pagkamatay ng isang babae matapos tadtarin ng saksak ng umano’y kasiping nito sa isang motel sa Zone 5, Barangay Maliwalo, Tarlac City kamakalawa.

Tadtad ng saksak sa katawan si “Josie”, 36, nang matagpuan ang bangkay nito sa kuwarto ng motel, dakong 12:15 ng madaling araw.

Agad namang nadakip ang suspek na si Jonart Andaya, 26, binata, ng Heisenbird Farm, Bgy. Baras-Baras, Tarlac City.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon kay Supt. Eric Buencancejo, nag-check in ang dalawa dakong 11:15 ng gabi, at makalipas ang isang oras ay nagmamadaling lumabas ang suspek.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima nang puntahan ng mga roomboy ang kuwartong nirentahan ng biktima at ng suspek.

Narekober kay Andaya ang isang balisong at ang cell phone ng biktima.