WASHINGTON (AFP) – Pabalik na sa United States nitong Miyerkules ang tatlong Amerikano na idinetine sa North Korea matapos palayain bago ang pagpupulong nina President Donald Trump at Kim Jong Un.

Pinagkalooban ng ‘’amnesty’’ ng Pyongyang ang tatlong lalaki, sinabi ng isang opisyal ng US.

‘’I am pleased to inform you that Secretary of State Mike Pompeo is in the air and on his way back from North Korea with the 3 wonderful gentlemen that everyone is looking so forward to meeting. They seem to be in good health,’’ tweet ni Trump.

Dalawa sa mga lalaki, ang agricultural expert na si Kim Hak-song at ang dating professor na si Tony Kim ay inaresto noong 2017, habang si Kim Dong-chul, isang South Korea-born American businessman at pastor, ay hinatulan ng 10 taong hard labor noong 2016

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM