Ni NORA CALDERON

SABAY-SABAY na nag-open kahapon sa mga sinehan ang My 2 Mommies ng Regal Entertainment at ang mga pelikulang kasali sa 2018 Cine Filipino Film Festival.

Cast ng ‘My 2 Mommies

Cast ng ‘My 2 Mommies

Nabigyan ng Grade A sa Cinema Evaluation Board ang My 2 Mommies at batay sa success ng premiere night nito last Monday, malaki ang tsansa na kumita ng malaki sa takilya ang pelikula nina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff, child actor na si Marcus Cabais, Joem Bascon at may special participation si Ms. Maricel Soriano mula sa mahusay na direksiyon ni Eric Quizon at script ni Jose Javier Reyes.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, sa thanksgiving night last Tuesday ng 2018 Cine Filipino Film Festival sa Novotel sa Smart Araneta Coliseum ay ipinakilala ang walong feature length films na kinabibilangan ng Delia & Sammy nina Rosemarie Gil, Jamie Fabregas, Nico Antonio, Lui Manansala, Anthony Falcon, sa direksiyon ni Therese Cayaba, produced by Sher Bautista at William Jones; The Eternity Between Seconds nina Yeng Constantino at TJ Trinidad, directed by Jan Alex Figuracion, produced ni Melanie Entuna; Excuse Me Po nina Elizabeth Oropesa, Anna Luna, Matt Daclan, Chanel Latorre, Angellie Nicholle Sanoy, Rener Concepcion, directed by Ronald Batallones and produced by Alex Poblete; Gusto Kita With All My Hypothalamus nina Iana Bernardez, Nicco Manalo, Dylan Ray Talon, Soliman Cruz, directed by Dwein Baltazar, produced by Giancarlo Abrahan; Hitboy nina Adrian Cabido, Rea Molina, JM Salvado, Soliman Cruz, Paolo O’Hara, Mon Confiado, Mick Katipunan, directed by Bor Ocampo, produced by Mikee dela Cruz; Mata Tapang (Brave Eye) nina EA Guzman, Arron Villaflor, Jerald Napoles, Migs Almendras, Louise delos Reyes, directed by Mara Marasigan, produced by Carl Chavez; Mga Mister ni Rosaryo nina Joross Gamboa, Kate Alejandrino, Martin del Rosario, Clint Bondad, Kim Molina, Tuesday Vargas, Dax Cayaba, Ogie Dia, Cai Cortez, Denise Laurel, directed by Alpha Habon and produced by Jane Torres; Poon (The Image) nina Glydel Mercado, Shy Carlos, Rolando Innocencio, Yayo Aguila, Chanel Latorre, May Bautista, Mon Confiado, Ruby Ruiz. Director/writer/producer si Roni Benald.

Eighteen short films at six student short films naman ang entries ng mga bagong filmmakers.

Ang Cine Filipino Film Festival ay tatakbo ng Mayo 9–15 at mapapanood sa Gateway Cinema 4, Greenbelt 1 Cinema 1, Cinelokal Theaters in SM Fairview, SM North EDSA, SM Megamall, SM Manila, SM MOA, SM Southmall.

Supported ito ng Film Development Council of the Philippines. Festival Head of Competition ng Cine Filipino si Jose Javier Reyes at ang awards night ay gaganapin sa Saturday, May 12, sa Kia Theater.