Ni JIMI ESCALA

WALA pang pormal na pahayag si Willie Revillame tungkol sa umuugong na balita tungkol sa pagtakbo niya para mayor ng Quezon City.

WINNIE AT WILLIE copy

Pero ngayon pa lang kahit pursigido ang isang kilalang partido na kumbinsihin si Willie para tumakbong sa puwestong babakantehin ni Mayor Herbert Bautista ay meron namang taong matindi rin ang pakiusap na huwag nang kalabanin ng TV host si incumbent Vice Mayor Joy Belmonte.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon pa sa isang source na nakausap namin, wala raw makapipigil kay VM Belmonte para tumakbo for mayor ng QC. Bukod kay Willie, posible ring makatapat ni VM Joy si Cong. Bingbong Crisologo.

Nang mapasyal kami sa Quezon City Hall ay maugong din ang balitang kinukuha ni Cong. Bingbong Crisologo si Cong. Winston “Winnie” Castelo bilang ka-tandem. Ang anak naman ni Sen. Tito Sotto na si Coun. Gian Sotto ang kinukuhang katambal ni VM Belmonte.

Mismong si VM Joy Belmonte daw ang kumukumbinsi sa partido na si Coun. Gian Sotto ang maging bise mayor niya kapalit din sa supposed to be pagtakbong mayor ng QC ni Sen, Tito Sotto.

Pawang mabibigat ang makakatapat ni VM Belmonte kung sakaling tutuloy nga si Willie.

As of press time, nakarating ang balita sa amin na si Cong. Winnie Castelo raw ang magiging vice mayor ni Willie.

Kamakailan lang ay ginamit ang helicopter ng host ng Wowowin nina Winnie at Willie papuntang Payatas para maghanap ng lupa para sa planong pabahay ng huli sa mahihirap ng QC. Si Rep. Castelo kasi ang incumbent congressman ng nasabing lugar.

Kuwento pa ng source namin, pagkatapos lumipad ng dalawa patungo naman sa Tagaytay para ipasyal ni Wilie si Rep. Castelo sa hotel at bahay ng TV host. So, may binubuong plano ang dalawa kung ganoon?

Sa totoo lang, kinatatakutan na si Willie ng politicians ng Quezon City. Malaki ang laban niya kung tatakbo siya para alkalde dahil kilala siyang matulungin sa mahihirap. Kuha rin niya ang mga lolo’t lola, nanay at tatay. Puwede ring sabihin ng parents ng millennials na si Willie ang iboto.

Hindi lang ang partido kundi marami rin ang kumukumbinsi kay Willie para kumandidatong mayor. Ayon sa aming source ay mukhang nakukumbinsi na raw TV host pero hindi pa rin nagbibigay ng dahil humihingi pa ng payo sa mga kaibigang politician din.

Hintayin na lang natin ang desisyon at kapalaran ni Willie lalo’t malakas siya sa survey sa QC kahit wala pa siyang deklarasyon