WASHINGTON (AFP) – Iniurong ni President Donald Trump ang United States mula sa makasaysayang kasunduan na maglilimita sa nuclear program ng Iran at nagpataw ng sanctions nitong Martes.

Binatikos ni Trump ang ‘’disastrous’’ na kasunduan noong 2015, na inilarawan niyang ‘’embarrassment’’ sa United States at walang nagawa para mapigilan ang nuclear ambitions ng Iran.

‘’The United States will withdraw from the Iran nuclear deal,’’ sinabi ni Trump sa pagtatalumpati niya sa bansa mula sa White House.

Ibinasura ang mahigit isang dekada at kalahating careful diplomacy ng Britain, China, France, Germany, Iran, Russia at mga nakalipas na US administrations, nanawagan si Trump ng ‘’new and lasting deal.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Galit si Iranian President Hassan Rouhani sa desisyon ni Trump na inakusahan niya ng ‘’psychological warfare’’. Idiniin niya na maaaring ipagpatuloy ng Iran ang uranium enrichment ‘’without limit’’ bilang tugon sa anunsiyo ni Trump.

‘’If the regime continues its nuclear aspirations, it will have bigger problems than it has ever had before,’’ babala naman ni Trump.

Naglabas ng joint statement sina German Chancellor Angela Merkel, British Prime Minister Theresa May at French President Emmanuel Macron na nagpapahayag ng kanilang ‘’regret and concern’’ sa desisyon ni Trump. Sinabi ng Russia na ito ay ‘’deeply disappointed” sa pasya ni Trump.

Ikinalugod naman ng Israel at Saudi Arabia, mga kaalitan ng Iran, ang desisyon ni Trump. Sumuporta rin ang United Arab Emirates at Bahrain.