Ni Beth Camia

Posibleng pagbotohan na sa Biyernes, Mayo 11, ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Nabatid sa mga ulat na posibleng mas maraming mahistrado ang bumoto pabor sa pagpapawalang-bisa sa pagkakatalaga kay Sereno bilang Punong Mahistrado.

Ito ay dahil umano sa paniniwalang nabigo si Sereno na isumite sa Judicial and Bar Council (JBC) ang mga kinakailangang bilang ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) noong siya ay aplikante pa lamang sa naturang posisyon. Subalit apela ni Supreme Court Spokesman Attorney Theodore Te sa publiko, hintayin ang magiging hatol ng mga mahistrado kay Sereno at iwasan ang paglikha ng samu’t saring espekulasyon sa isyu.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasunod nito, patuloy na nagkakampo sa harap ng Korte Suprema sa Maynila ang mga tagasuporta gayundin ang mga kritiko ng nakabakasyong Chief Justice.

N a h a h a r a p d i n s i S e r e n o sa impeachment proceedings, at nakatakdang litisin sa Senado.