Ni Agence France-Presse

INILARAWAN ng film director na si Roman Polanski ang #MeToo movement bilang “mass hysteria” at “hypocrisy” sa Polish interview kasunod ng kanyang pagkakatanggal sa Oscars academy.

Roman

Tinanggal ang 84 taong gulang na Oscar-winning director ng Rosemary’s Baby mula sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences, kasama ang aktor na si Bill Cosby, dahil sa kaso ng pangmomolestiya laban sa kanilang dalawa.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Nang tanungin tungkol sa kanyang opinyon tungkol sa epekto ng isyu ng sexual harrasment sa industriya ng pelikula, sinabi ni Polanski sa Newsweek Polska: “I think this is the kind of mass hysteria that occurs in society from time to time.”

“Sometimes it’s very dramatic, like the French Revolution or the St Bartholomew’s Day massacre in France, or sometimes it’s less bloody, like 1968 in Poland or McCarthyism in the US,” dagdag pa niya.

“Everyone is trying to back this movement, mainly out of fear... I think it’s total hypocrisy.”

Wanted si Polanski, na dual Polish and French citizen at kasalukuyang naninirahan sa France, sa US sa kasong panghahalay umano kay Samantha Geimer noong 1977.

At ilang taon na rin siyang nakikipagnegosasyon sa mga awtoridad sa Amerika tungkol sa kaso.

Sinabi naman ni Geimer, na nagpahayag sa nakaraan na pinatawad na niya si Polanski, na ang hakbang ng Academy na tanggalin ito ay “an ugly and cruel action which serves only appearance.”

Ayon naman kay Polanski, ang desisyon nitong nakaraang linggo “the height of hypocrisy”, lahad ng kanyang abogadong si Jan Olszewski.

Idinagdag pa ni Olszewski na ang pagkukumpara ni Polanski kay Bill Cosby, na natanggal din Academy dahil sa sexual assault, ay “a total misunderstanding and harassment.”

Ang pagsibak ay naganap kasunod ng pag-aksyon ng Hollywood laban sa mga alegasyon ng umano’y pangmomolestiya ni film mogul Harvey Weinstein, na siyang naging mitsa ng paglakas ng lobb ng mga kababaihang umamin at magbahagi ng sariling karanasan ng sexual harassment o rape sa ilalim ng hashtag na #MeToo.