Ni Marivic Awitan.

MATAPOS ang tatlong sunod na kabiguan, nakabasag na rin sa wakas sa win column ang National University matapos gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 96-84, kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Filoil Flying V Premier Cup sa San Juan City .

Banderang tapos ang Bulldogs na nakopo ang unang panalo sa apat na laro.

Buhat sa walong puntos na bentahe sa first canto hindi bumitaw ang NU sa pangunguna at pinataas pa ang kalamangan hanggang 12-puntos sa halftime break,49-37.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nanguna para sa Bulldogs si Chino Mosqueda na nagposte ng 18 puntos kasunod si dating Bullpups standout at UAAP Juniors Mythical Team John Lloyd Clemente na may 17-puntos

Nag-ambag ang magkapatid na Sean at Dave Ildefonso na tumapos na may 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan naman ang Generals na nanatiling walang panalo pagkaraan ng apat na laro ang baguhang si John Paul Maguliano na may 16 puntos.

Iskor:

NU (96) – Mosqueda 18, Clemente 17, S Ildefonso 13, D Ildefonso 11, Gaye 10, Galinato 9, Sinclair 6, Menina 4, Salim 3, Diputado 2, Tibayan 2, Mangayaom 1, Gallego 0, Rangel 0, Oczon 0.

EAC (84) – Maguliano 16, Garcia 15, Tampoc 13, Mendoza 12, Diego 10, Corilla 8, Cruz 4, Cadua 2, Bugarin 2, Ling 2, Natividad 0, Gonzales 0, Robin 0, Neri 0, Martin 0, Estacio 0, Altamirano 0.

Quaretrscores: 24-16, 49-37, 74-63, 96-84.