Ni Leslie Ann G. Aquino

Nangangailangan ng mga volunteer observer ang isang election watchdog group para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes.

Sinabi ng National Citizens’ Movement for Free Elections ( N A M F R E L ) n a a n g m g a tatanggaping volunteer ay dapat na Pinoy at non-partisan, o walang pinapanigang kandidato.

“As a non-partisan activity, volunteers are required to commit to be non-partisan throughout the election process,” ayon sa pahayag ng election watchdog group.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Ang tatanggaping volunteer ay hinihikayat na magmasid sa buong proseso ng halalan, mula sa pangangampanya, botohan, at bilangan at canvassing ng boto sa barangay kung saan sila nakarehistro.

“However, if volunteers are not able to follow the entire process, they are given the option to observe whichever process they are available to do so,” ayon sa grupo.

Gagabayan din ang mga volunteer ng isang observation manual at observation form, kung saan nakasaad ang kanilang gagawin sa bawat hakbang ng proseso ng halalan, na susulatan ng mga ito at ibabalik din sa grupo.

Ang mga interesadong maging election volunteer ay maaaring mag-sign-up sa http://bit.ly/ NAMFRELBSKE hanggang bukas, Mayo 10.