TIYAK ang kapana-panabik na pagbubukas ng 5th leg Alphaland National Executive Chess Championships Mindanao leg kung saan mismong sina Lake Sebu Mayor Antonio Fungan at South Cotabato Gov.Daisy Avance-Fuentes ang naimbitahang magsagawa ng ceremonial moves at magbibigay ng inspirational message sa mga kalahok sa event na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) na gaganapin sa Mayo 26 sa Punta Isla Lake Resort sa South Cotabato.

Ayon kay tournament director Lito Dormitorio, may 40 executive players na ang nagbigay ng kumpirmasyon sa paglahok sa event na nakataya ang top prize P20,000 at elegant trophy.

Lahat nakatutok kina Dr. Jenny Mayor at Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, ang nag 1-2 finish sa 4th leg ng Visayas leg ng Alphaland National Executive Chess Championships na ginanap kamakailan sa Kubo Bar Garden and Restaurant sa Kalibo, Aklan na isinahimpapawid ng live worldwide ang torneo sa YouTube at Facebook channel ng National Chess Federation of the Philippines.

Kalahok din sina Dr. Alfred Paez, SSS top player Dioniver “Bobot” Medrano, National Master Wilfredo Neri, lone female qualifier Susan Grace Neri, PLDT MVP Olympics Team Manager Martin “Binky” Gaticales, IT expert Joselito Cada at Edwin Sison, Eng’r. Ferdinand Oliveros at magkapatid na Joselito at Emmanuel Asi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May developmental Kiddies event na kasabay na isasagawa. Para sa detalye, makipag-ugnayan kay Mr. Lito Dormitorio sa 0949-374-1967 para sa dagdag detalye.