LOS ANGELES (Reuters) – Pinadalhan ni Katy Perry si Taylor Swift ng totoong sanga ng olive nitong Martes, at mukhang maayos na ang matagal nang away ng dalawa sa pinakamalalaking bituin ng pop music.

Taylor copy

Nag-post si Swift, 28, ng video ng package, kasama ang liham mula kay Perry, sa kanyang Instagram stories account na may caption na,“Thank You Katy” at dalawang heart emoji.

Ang away, na nagsimula sa argumento tungkol sa mga back-up dancer, ay umabot sa personal at propesyunal na buhay ng dalawang mang-aawit sa loob ng mahigit apat na taon, at naging tampok din ang kanilang away sa ilang kantang isinulat at inawit nila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang single na Bad Blood ni Swift noong 2014 ay pinaniniwalaang direktang tumutukoy kay Perry. Sa kabilang banda, inilarawan naman ni Perry, 33, ang kanyang 2017 single na Swish Swish, bilang “a great anthem for people to use whenever somebody’s trying to hold you down or bully you.”

Tinangkang makipag-ayos ni Perry, isang taon na ang nakalipas, nang humingi siya ng paumanhin kay Swift para sa kanyang mga nagawa at tinawag niya itong “fantastic singer” ngunit hindi nagkomento si Swift.

Gayunman, nitong Martes, sinabi ng singer sa kanyang Instagram story, “I just got to my dressing room and found this actual olive branch. This means so much to me.”

Ang olive branch ay tradisyunal na simbolo ng kapayapaan.

Nakaabot ang olive branch, kasama ang liham na may paunang bati na, “Hey Old Friend, I’ve been doing some reflecting on past miscommunications and hurt feelings between us,” sa unang araw ng worldwide “Reputation” tour ni Swift sa Glendale, Arizona.

Ang post ni Swift ay kasunod ng headline ni Perry, dahil sa agaw-pansin nitong putfit sa Met Gala sa New York, kung saan nakabihis siyang anghel.

Ang make-up nina Swift at Perry ay kabilang sa top 10 trending items sa buong mundo sa Twitter nitong Martes.