NEW YORK (Reuters) – Inutusan ng federal judge sa New York nitong Martes si Jay-Z na tumestigo sa Mayo 15, sa imbestigasyon ng U.S. Securities and Exchange Commission, na may kinalaman sa pagbebenta ng Rocawear clothing brand ng rapper sa Iconix Brand Group Inc.

Jay-Z copy

Sa hearing sa Manhattan, sinabi ni U.S. District Judge Paul Gardephe kay Jay-Z, Shawn Carter ang tunay na pangalan, na nabigong sumagot ang rapper sa SEC subpoenas na isinilbi sa kanya noong Nobyembre at Pebrero, kahit ilang ulit nang tinangka ng regulatory agency na i-reschedule ang kanyang pagtestigo.

“The testimony has been delayed for five months, and I do not intend to tolerate any further delay,” lahad ni Gardephe.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kinatawan si Jay-Z ng kanyang abogadong si Alex Spiro sa hearing, at hindi siya mismo ang dumalo. Hindi naman inihayag ni Spiro at ng mga abogado ng SEC kung saan gaganapin ang pagbibigay ng testimonya ni Jay-Z.

Samantala, nagsumite na ng petisyon ang SEC nitong nakaraang linggo, upang pausarin muli ang subpoenas nito laban kay Jay-Z.

Ipinagbenta ni Jay-Z ang Rocawear sa Iconix noong 2007 sa halagang tinatayang $204 million. Inihayag ng SEC na kinukwenta nito ang kabuuan, $169 million noong 2015 at $34.6 million noong 2017, at ang katunayan na may konenksyon ang Iconix sa Rocawear.

Ayon sa agency, nais nitong tanungin si Jay-Z tungkol sa personal nitong kinalaman sa Rocawear at tungkol sa mga transaksiyon sa pagitan ng kanyang kumpanya at Iconix.

Sa isinumiteng dokumento ni Jay-Z sa korte nitong Lunes na ang sapilitang pagpapatestigo sa kanya ng matagal ay makasasagabal sa kanyang preparasyon sa nalalapit na world tour, at ang kanyang testimonya ay hindi magiging mahalaga sa kaso.

Hindi naman sumang-ayon dito si Gardephe at sinabi sa hearing nitong Martes na ang ahensya ay may “legitimate purpose” sa hangaring makapanayam si Jay-Z.