Ni Genalyn D. Kabiling

Magbubuo si Pangulong Duterte ng three-man panel, na kabibilangan ng mga ekspertong Asyano, na magsasaliksik at magpapatunay kung ang Dengvaxia nga ang sanhi ng pagkamatay ng ilang batang naturukan nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais umano ng Pangulo ng “clearer scientific finding” tungkol sa Dengvaxia. Ito ay bunsod ng mga naglabasang magkakasalungat na testimonya ng mga eksperto mula sa Public Attorney’s Office at University of the Philippines-Philippine General Hospital (PGH), na nangasiwa sa imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng ilang batang nabakunahan ng Dengvaxia.

“The President, after much discussion, said he will create a three-man panel of experts, all Asians, no westerners and he will be bound by the findings of the three man experts on the issue whether or not Dengvaxia actually caused deaths,” sabi ni Roque sa press briefing sa Palasyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“As a lawyer and a former prosecutor, he knows that expert witnesses can cancel out each other’s testimonies. In effect he said that, with conflicting testimonies from the experts from PAO and the PGH, he is constrained to seek further advice from disinterested parties,” dagdag pa niya.

Ayon kay Roque, nais ng Pangulo na maging “foreign” ang bubuo sa panel ay dapat na walang kinalaman sa gobyerno ng Pilipinas at sa Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia.

Naisumite na sa Pangulo ang listahan ng mga ekspertong posibleng bubuo sa panel, ayon kay Roque.

“There was a mention of experts from Singapore, Cambodia, Indonesia, mostly Asian countries recommended by the DOH,” ani Roque.