Ni Francis T. Wakefield

Gagawin ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza ang lahat ng kanyang makakaya upang matugunan ang 60-araw na deadline na itinakda ni Pangulong Duterte sa pagpapatuloy ng naunsyaming peace talks sa mga rebelde.

Inilabas ni Dureza ang pahayag matapos siyang makipagpulong sa Pangulo, kasama si Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III, kaugnay ng pinakahuling kaganapan sa usapang pangkapayapaan.

Inilahad, aniya, nila kay Duterte ang kanilang adhikaing matuloy ang peace talks, kaya sisimulan na nila ang informal back channel talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Europa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Our team is now in Europe and we are informed that there are initial positive results so far,” pagmamalaki ni Dureza.

Paniniyak naman ni Bello, pagkabalik nila sa bansa sa lalong madaling panahon ay ilalahad nila sa Pangulo ang kinahinatnan ng kanilang pag-uusap.

Matatandaang naglatag ang Pangulo ng dalawang-buwang palugit upang makapagpasya ang pamahalaan at ang CPP-NPA sa nasabing pag-uusap.