KABILANG si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio, kilala rin bilang ‘Inday Sarah’ sa kapwa Davaoeños, sa nagsusulong ng tamang pagsasanay para sa ligtas na pagmamaneho ng mga motorsiklo.
Sa kabila ng kasanayan, sumailalim pa rin ang butihing Mayor sa pagsasanay sa ‘Safety Riding training’ kamakailan sa Honda Safety Driving Center (HSDC) sa Sucat, Paranaque.
Nakasanayan na ni Mayor Sarah, tulad ng ama na si Pangulong Duterte, ang paglilibot sa Davao City sakay nang kanyang Honda XR200. Kinagigiliwan niya ang iba’t ibang modelo ng Honda big bikes.
Iginiit ni Mayor Duterte na nais niyang maging modelo sa mga kababayan na tulad niya ay mahilig magmotor, gayundin ang mga simpleng empleyado na gamit ang motor sa kanilang pang-araw araw na biyahe.
Batay sa statistics, tumataas ang bilang ng mga insidente sa motor bunsod ng kakulangan sa kaalaman at focus sa pagmamaneho sa iba’t ibang uri ng lansangan.
Sa pamamagitan ng ‘Safety Riding’ training, natutulungan nito ang mga motorcycle riders para makaiwas sa aksidente at maibsan ang bilang ng mga insidente sa kalsadahan.
Sa Honda Safety Diving Center na matatagpuan sa South Superhighway, 17E Service Road, Paranaque, may sapat na kagamitan at espasyo para sa tamang pagtuturo hingil sa road situations – mula sa intersections, pagliko, s-courses, bumpy roads, at iba pa.
Ayon kay Mayor Duterte, nararapat sa bawat motor riders ang disiplina at tamang pang-unawa sa pagmamaneho.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Honda Philippines, Inc. o Facebook page www.facebook.com/hondaph/ at www.hondaph.com