Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at MARY ANN SANTIAGO

Inihayag ng Malacañang na hindi makaaapekto sa magiging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa magiging kapalaran ni Tourism Secretary Wanda Teo ang pagbabalik sa P60 milyon halaga ng advertisement deal ng gobyerno sa Bitag Media Unlimited.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na kuwestiyunin ng Commission on Audit (COA) kung paanong napunta sa nabanggit na programa ng mga kapatid ni Teo na sina Ben at Erwin Tulfo sa PTV-4 ang P60 milyon halaga ng ad placements ng DoT.

“Well ang issue lang naman, as far as the President is concerned, is whether or not Teo will stay. And all this will have no impact on the decision of the President,” sabi ni Roque. “That’s up to the President, kasi the issue is, is Wanda staying or not. And only the President can decide that. Kahit ano pang gawin nila.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinumpirma kahapon ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng mga Tulfo, na ibabalik na nila ang P60 milyon na ibinayad ng PTV-4.

‘GESTURE OF GOOD FAITH’

“Nakausap ko si Mr. Ben Tulfo, kanina lamang po, sinabi niya na napagpasyahan po nila (magkakapatid) na bagamat wala po sa kanya ‘yung P60 million, dahil nagastos na po, gagawa po sila ng paraan at io-offer na nila na ibalik na po up to the last centavo kung ano man ang naibayad sa kanila ng PTV4,” sinabi ni Topacio nang kapanayamin sa radyo.

“As a gesture of good faith and goodwill, and to show na wala po silang malisya dito sa ad placement, ay ibabalik na po nila ‘yong pera, ASAP,” ani Topacio.Gayunman, sinabi ni Roque na hindi siya sigurado sa mga magiging epektong legal ng pagbabalik sa nasabing halaga, sinabing maging ang batas ay inconsistent tungkol sa mga hinihinalang kaso ng nepotismo.

“So it’s a matter po that we have to look into, in line with the existing jurisprudence na pabale-balentong din minsan. Minsan pinapayagan, minsan hindi,” ani Roque. “Kung ano ang desisyon ni Presidente dito sa issue na ito, wala pa po dahil itong offer na ibalik ang P60 million is a breaking development.”Aniya, maaaring gawin ng Bitag Media Unlimited ang anumang nais nito sa nasabing pera dahil wala pa namang naisasampang kaso kaugnay ng usapin.

“Right now there are no charges, number one. And number two po, I do now know kung kanino nila ibabalik ‘yan. And I do not know kung ano ang magiging ramification ng pagbabalik ng amount na ‘yan,” dagdag ni Roque. “Now on whether or not the (Office of the) Ombudsman will charge them, that’s up to the Ombudsman. That’s beyond the powers of the President.”

DoT IIMBESTIGAHAN

Sa kabila nito, nilinaw ni Senator Nancy Binay, bilang chairperson ng Senate committee on tourism, na itutuloy pa rin ng Senado ang pag-iimbestiga sa isyu.

“(It’s) better late than never,” ani Binay, sinabing naghain na siya ng resolusyon para siyasatin kung paanong ginagastos ng DoT ang budget nito sa advertising at marketing.

“We welcome the gesture of good faith by Bitag to return the P60-million TV advertising payment back to the government,” sinabi ni Binay kahapon. “Nonetheless, the DoT and PTV-4 need to clarify some issues with regard how commercials are placed, and the terms of reference covering such agreements.”

Kasabay nito, nabatid na nag­bitiw na sa tungkulin si Robert Teo, asawa ng Tourism secretary, bilang board member ng Tourism Infrastruc­ture and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

May ulat ni Hannah L. Torregoza