Toronto, winalis ng Cleveland; Sixers, nakahirit pa

CLEVELAND (AP) – Kung anuman ang kakulangan ng Cavaliers sa regular season game, tila napagtagni-tagni ang lahat sa playoff series. Sa ika-apat na sunod na season, sasabak sa Eastern Conference Finals si LeBron James at ang Cavaliers.

KING JAMES! Tila walang kapaguran si four-time MVP LeBron James na sinandigan ang Cleveland sa ikaapat na sunod na Conference Finals.

KING JAMES! Tila walang kapaguran si four-time MVP LeBron James na sinandigan ang Cleveland sa ikaapat na sunod
na Conference Finals.

Senelyuhan ng defending EC champion ang dominasyon sa Toronto Raptors sa impresibong 128-93 panalo para walisin ang semifinal series sa 4-0 nitong Lunes (Martes sa Manila).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hataw si James sa naiskor na 29 puntos, 11 assists at walong rebounds para sandigan ang Cavaliers sa pagsila sa Raptors sa ikatlong sunod na paghaharap sa playoffs.

Tinuntungan ng Cavaliers ang panalo sa matikas na 33-21 bentahe sa first period tungo sa ika-10 sunod na playoff win laban sa Raptors – ang No.1 seed sa EC Conference.

Nag-ambag ang Cavs starter ng double-digits scores, sa pangunguna ni Kevin Love na tumipa ng 23 puntos mula sa 8-of-13 shooting. Kumubra si Kyle Korver ng 16 puntos, at kumana sina JR Smith at George Hill ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sumabak ang Raptors na wala si DeMar DeRozan na napatalsik sa laro bunsod ng flagrant foul kay Jordan Clarkson sa kaagahan ng third period kung saan abante ang Cavaliers sa 59-23.

Nanguna si Jonas Valanciunas sa Toronto na may 18 puntos.

Matapos ang nakahahapong Game Seven sa first round laban sa Indiana Pacers, makakatikim nang mahaba-habang pahinga ang Cleveland habang hinihintay ang makakaharap sa conference finals.

Tangan ng Boston Celtics ang 3-1 bentahe sa Philadelphia 76ers sa hiwalay na semifinal.

“They were a well-balanced, put-together team this year,” pahayag ni James. “They’ve built a very good team that can succeed in the postseason. I felt coming into the series this would be a tough challenge for us.”

Ngunit, kung susuriin, tila hindi ganoon katatag ang Raptors.

“They wanted it more than us,” pahayag ni Valanciuas.

“That’s about it. It was the mental stuff, not the basketball stuff that hurt us the most. It’s not like we didn’t want to (win). We wanted to, but I think it was the frustration. We just lost our head.”

SIXERS 103, CELTICS 92

Sa Philadelphia, naantala –pansamantala – ang biyahe ng Boston Celtics sa conference Finals. At ang balakid: isang undrafted guard sa pangalang TJ McConnel.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, naging bayani ng Sixers si McConnell na mistulang ‘lider’ ng Philadelphia para gapiin ang Boston Celtics sa Game 4 ng kanilang Eastern Conference semifinal series.

Naitala ni McConnell ang career-high 19 puntos, habang kumubra si Dario Saric ng 25 puntos para iligtas ang Sixers sa kahihiyan at bigyan ng buhay ang sisinghap-singhap na kampanya na makarating sa conference finals.

Wala pang koponan sa kasaysayan ng NBA ang nakabalik mula sa 0-3 pagkakaiwan sa best-of-seven series.

“If I saw a lane, I took it. If I had an open shot, I would try and take it,” pahayag ni McConnell.

“I can tell you the Philadelphia 76ers spirit is just fine,” sambit naman ni Sixers coach Brett Brown.

Sa harap ng katotohanan na lahat ng 129 na koponan na nabaon sa 0-3 ay bigong makabangon sa kasaysayan ng liga, higit pa sa himala ang kailangan ng Sixers.

Kumubra si Joel Embiid ng 15 puntos at 13 rebounds, habang tumipa si Ben Simmons ng 19 puntos at 13 boards.

Nanguna si Jayson Tatum sa Celtics na may 20 puntos at humugot si Marcus Morris ng 17 puntos.