Ni Marivic Awitan

Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- Air Force vs PLDT(m)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

12:00 n.t. -- IEM vs Army (m)

4:00 n.h. -- Iriga-Navy vs Balipure (w)

6:30 n.g. -- Petrogazz vs. Tacloban (w)

PINANINDIGAN ng Creamline Cool Smashers ang pagiging pre-season favorite sa 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference matapos pataubin ang baguhang Petro Gazz Angels 25-18, 25-16, 25-13, sa unang laro nitong Sabado sa FilOil Flying V Centre.

Mula umpisa, abante na ang Cool Smashers at hindi pinatikim ng pangingibabaw ang Angels sa lahat ng tatlong sets na ipinanalo nila kung saan halos lahat ng ipinasok ni coach Tai Bundit ay nakagawa ng kontribusyon.

“It’s been a long time since we had a real game pero we’ve been preparing and training for today for such a long time din so that really helped,” wika ni Creamline skipper Alyssa Valdez. “We wanted to make sure na we did everything na pinaractice namin and just execute.”

Pinangunahan ng kanilang nagbabalik na import na si Kuttika Kaewpin ng Thailand ang Cool Smashers sa itinala nitong 17 puntos, kasunod ang 4-time PVL Most Valuable Player na si Valdez na may 14 puntos at 8 digs.

Nag-iisa namang tumapos na may double figure si Kadi Kullerkann para sa Angel sa iniskor nitong 11 puntos.