Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Nanawagan si Senador Antonio Trillanes ng Senate investigation sa iniulat na Chinese missiles at iba pang military activities sa West Philippines Sea (WPS).

Inihain kahapon ni Trillanes ang Senate Resolution No. 722, na humihikayat sa Senate Committee on National Defense and Security na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y mga ikinabit na missile systems sa tatlong bahagi ng WPS.

Layunin ng resolution na “asserting the country’s sovereignty and territorial integrity,” at masiguro na ang militarisasyon ng China ay hindi mapanganib sa “Philippine’s defense and security.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Gusto nating ma-ascertain muna sa ating mga security officials kung ano ba talaga ang nangyayari sa lugar na ‘yan para maimpormahan kami, hindi lang mga legislators at policy makers, at yung publiko kung ano ba yung ginagawa nila...Plus gusto nating malaman, ngayon na ascertain na natin, ano ang plano nilang gawin,” sambit ni Trillanes sa isang panayam.

Unang nang nagpahayag ng pangamba ang opposition senator hinggil sa pagpapakalat ng China ng anti-ship at aircraft missiles sa WPS.

Hinikayat niya ang gobyerno na “reassert our victory in the Arbitral tribunal,” na nagpapawalang bisa sa nine-dash line basis ng China sa pag-angkin sa WPS.

Nagpahayag din ng pangamba si Trillanes sa Philippine Navy ships na nanganganib sa missile systems ng China, lalo na sa oras ng “misencounter”.