Ni HANS AMANCIO

Sugatan ang isang  hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos saksakin ng umano’y parokyano nito sa kasagsagan ng transaksiyon.

Nagtamo ang biktima, kinilala sa alyas na Pepi, ng mga saksak sa dibdib, base sa report.

Una rito, nakikipag-inuman ang suspek na kinilala sa alyas na Rolando, ng Barangay 455, sa kanyang mga kaibigan nang utusan siya ng isa sa mga ito, na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan, na bumili ng P700 halaga ng ilegal na droga kay Pepi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matapos bumili ng droga, bumalik si Rolando sa kanyang kaibigan at napansin na ang biniling droga ay tila kulang at sa tingin niya ay P300 lang ang halaga.

Mapapanood s a isang closed-circuit television footage na bumalik si Rolando, may bitbit na patalim, kay Pepi at pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

Isinugod si Pepi pinakamalapit na ospital at maayos na ang kalagayan nito.

Iniulat na humingi na ng tawad si Rolando, na nasa kustodiya na ng Sampaloc Police Station, sa nangyari at mahaharap sa kaukulang kaso.

Samantala, sinabi ni Sampaloc Police Station Senior Inspector Credencio Saballo na inaalam na ng mga imbestigador kung sangkot talaga sa ilegal na droga ang biktima.