Ni Brian Yalung

BUKAS sa isipan ni dating Centro Escolar University (CEU) Scorpion John Karlo “JK” Casino na kailangang ang pagpapakumbaba at pagtitiyaga para makapaglaro sa PBA.

(PBA Images)

JK Casino (white) (PBA Images)

Sa panayam ng MB Sports Online kay Casino bago ang PBA Rookie Draft, iginiit ng 5-foot-10 na handa siyang maghintay kung kinakailangan para patunayang may puwang ang tulad niya sa pro league. At hindi naman siya nabigo nang kunin siya ng Phoenix Fuel Masters bilang fourth pick sa ikaapat na round ng 2017 PBA Draft, ngunit nabigong mapasama sa regular team member.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I practiced with Phoenix for a week. I almost got signed but they traded for LA Revilla so he took the last guard spot,” pahayag ni Casino.

Sa kabila ng kabiguan na makakuha ng slots sa Phoenix, nagpatuloy siya sa kanyang ensayo at hindi nagtagal at napansin ng Rain or Shine, ang koponan na pinagensayuhan niya sa PBA combine, ang nagbigay ng inrteres sa kanya.

“Right after the draft, my agent told me that coach Caloy (Garcia) wanted me to go back to ROS if I don’t get signed by Phoenix. So I practiced with ROS for 2 weeks and they said that I have to be patient because they were making moves within the team for me to get a slot,” pahayag ni JK.

Subalit, hindi rin siya kaagad napasama sa ROS.

“I decided to stay because of the fact that I still have a PBA team to practice with kesa sa wala. So without salary, I looked for a PBA D-League team that would not conflict with RoS practices to be able to do both. I did that for 4 months,” sambit ni Casino.

Hindi naman nawalan ng loob si JK at ipinagpatuloy ang paghahanda sa PBA.

“At first they wanted to sign me but as a practice player. But weeks before the opening of the 2nd conference, someone got injured so I got activated,” aniya.

Hindi naglaon, nakakuha siya ng kontrata, ngunit dalawang buwan lamang. Ngunit, sapat na ito para madama ang sitwasyon bilang isang pro player.

“The atmosphere sa PBA iba. Hindi lang dapat malakas at mabilis, importante talaga basketball IQ. Kelangan matalino maglaro,” pahayag ni Casino.

“I’m very fortunate na mababait ang mga veterans dito sa ROS. Sina Beau (Belga), Gabe (Norwood), Jireh (Ibanes) – they are always helping me out. Kapag nahihirapan ako, very approachable sila. Actually sila naman lahat helpful. Basta ako, open ears lang sa mga sinasabi nila.”

Naging malapit din siya kay Rey Nambatac.

“Kasi magkakampi na kami dati nung high school. Tapos parehas pa kami from Misamis Oriental. So may pinagsamahan na kaya mas nagiging close kami ngayon.”

Hindi naman nagkukulang ang RoS veterans para bigyan siya ng paalala at pampalakas ng loob.

“Laging sinasabe sa akin ng mga veterans na dapat marunong akong dumiskarte. Dapat basahin ko ng maagi yung depensa at dalhin ko ng maayos yung team. Kahit rookie palang ako they are giving me the license to lead the team,” aniya.