Ni Kate Louise Javier

Arestado ang dalawang lalaki sa anti-illegal drug operation sa Caloocan City nitong Biyernes ng gabi, base sa naantalang ulat.

Nagsagawa ng buy-bust operation si Sr. Inspector Allan Hernandez at ang kanyang mga tauhan na ikinaaresto nina Allan Yunting, 48; at Maricris Lozano, 39, kapwa residente ng Caloocan.

Sina Yunting at Lozana ay newly-identified drug personalities dahil hindi sila kabilang sa drug watchlist, ayon kay case investigator PO1 Juan Miguel Madlangbayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Base sa inisyal na imbestigasyon, inaresto si Yunting sa tapat ng kanyang bahay sa Bahay Bukid Street sa Barangay 178, matapos niyang bentahan ng hinihinalang shabu, sa halagang P500, ang isang undercover policeman, dakong 10:00 ng gabi.

Inaresto rin si Lozano, na sinasabing kasabwat ni Yunting. Isang pakete ng hinihinalang shabu ang nasamsam kay Lozano, ayon sa awtoridad.

Gayunman, kapwa tumanggi ang mga suspek na sangkot sila sa ilegal na droga.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na kapwa nakakulong sa Caloocan police.