Ni Rey G. Panaligan

Nominado si Supreme Court (SC) Justice Teresita J. Leonardo de Castro para maging kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, na magreretiro sa Hulyo ngayong taon matapos makumple­to ang kanyang term of office.

Si Justice De Castro, magrere­tiro na rin sa Oktubre sa pagtun­tong niya sa retirement age na 70 at nakumpleto ang 45 taon sa govern­ment service, ay ninomina ni retired SC Justice Arturo D. Brion.

Pinalawig ng JBC, ang nomi­nasyon para sa puwesto ng Om­budsman ay hanggang sa Mayo 15.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa kanyang letter of nomina­tion, sinabi ni Brion na sa loob ng mahigit apat na dekada, si Justice De Castro “has served the govern­ment with competence, probity and integrity.”

“Her long years in the prosecu­torial service (almost 19 years) and in the Sandiganbayan (more than 10 years), not to mention her more than a decade of experience as an associate justice of the Supreme Court qualify her for the position of Ombudsman,” diin ni Brion.

Binanggit din niya ang maram­ing parangal na natanggap ni De Castro. Kabilang sa mga ito ang Presidential Medal of Merit noong 1998, para sa pagsisilbi nito bilang isa sa peace negotiators sa panahon ng namayapang si dating Pangulong Corazon Aquino at ni dating Pangulong Fidel Ramos, at ang Chief Justice Hilario Davide, Jr. Reform Award para sa mga reporma na ipinatupad nito sa Sandiganbayan.

Nahalal si De Castro bilang presidente ng International As­sociation of Women Judges at nagsilbi ng isang termino mula sa 2012 hanggang 2014.

Bago ang maitalaga sa SC, si De Castro ay naging presiding justice ng Sandiganbayan, ang anti-graft court ng bansa.