PNA
“A growing economy is meaningful only if the benefits do not get stuck among the rich, but trickle down to the poor.”
Ito ang ipinagdiinan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Asian Development Bank’s Host Country Dinner sa EDSA Shangri-La, Mandaluyong City nitong Sabado. Ito’y matapos ang ginanap na 51st Annual Meeting ng ADB sa Ortigas.
Bilang panauhing pandangal, pinasalamatan ni Duterte ang ABD sa suportang ibinibigay nito sa mga proyektong pang-imprastruktura ng administrasyon, lalo na sa Mindanao.
“To me, that is the purpose and very essence of economic growth and development. The distribution of wealth is what we aim for and not the equalization of poverty,” ani Duterte. “I wish to extend the gratitude of the Republic, though seemingly belated, to the Asian Development Bank for supporting our projects, especially those situated in Mindanao.”
Binanggit ng Pangulo na ang mahalagang salik upang mapaunlad ang bansa ay ang malawakang infrastructure program na “Build, Build, Build.” Aniya, magbubukas ito sa maraming pamumuhunan at magiging daan upang makamit ng bansa ang 7.5 porsiyentong gross domestic product (GDP) na target sa taong 2022.
“We will bring our infrastructure base to match or even surpass those of the neighbouring economies. That will allow us to [compete] for investments on even or more attractive terms,” sabi ni Duterte.
Ibinahagi ni Duterte na noong Disyembre 2017, ang ADB ang ikatlong pinakamalaking pinagkukunan ng opisyal na development assistance ng bansa na may 14 na active loans at 17 grants.
Ayon sa Pangulo, patuloy na aasa ang Pilipinas sa ADB para sa tulong pinansiyal, ito man ay sa pamamagitan ng loan o grants.
Umaasa rin si Duterte na sa pagdagsa ng infrastructure investments, ang dating napabayaang Mindanao ay mangunguna sa pag-unlad ng bansa.
“Official development assistance grew to unprecedented levels. The rebuilding of Marawi illustrated this. The rehabilitation of Marawi has become an international effort. We are grateful for all of the support offered and given,” paliwanag ni Duterte.
Sinabi rin ng Pangulo na ang naranasang pag-unlad sa Asya ay nagpapakita na walang saysay kung gagayahin lamang ng rehiyon ang mga nasa Kanluran.
“We have to find our own way through the challenges of the age. We will focus on policies that befit the Asian mind. We will focus on the so many things and challenges that are unique in our time,” bahagi ng Pangulo.
Sa kanyang pagtatapos, nangako ang Pangulo na sa tulong na ibinahagi ng ADB, gagawin ng pamahalaan ang parte nito na bumuo ng maunlad na ekonomiya na tunay na mapapakinabangan ng mga Pilipino.