Ni Agence France-Presse
KINANSELA ng mga promoter ng Coachella nitong Linggo ang festival na nakatakda sanang ganapin sa Los Angeles na si Janet Jackson ang headline act, isang hindi karaniwang hayagang palatandaan ng problema sa makulay na live music industry.
Ipinahayag ng concert promoters na Goldenvoice na kinansela nila ang FYF Fest, dalawang araw na pagtatanghal sa Hulyo 21 at 22, na pangungunahan sana ni Jackson at ng rockers na Florence and the Machine.
“Our team of many women and men have worked tirelessly on this event for many years but felt unable to present an experience on par with the expectations of our loyal fans and the Los Angeles music community this year,” saad sa pahayag ng Goldenvoice.
Inihayag ng kumpanya na sa halip ay mag-oorganisa na lamang sila ng magkakahiwalay na show, na tatampukan ng ilan sa FYF Fest acts.
Hindi naman tinalakay ng Goldenvoice ang dahilan sa inilabas na desisyon ngunit sinabi ng music industry site na Billboard na mahina ang benta ng ticket ng FYF Fest.
Kamakailan ay naglunsad ulit ang Goldenvoice ng Coachella, festival na bantog na sa buong mundo dahil sa headline-grabbing performances, sa taong ito na pinunganahan ni Beyonce at ng ilang celebrity at fashion moments.
Kumita ang Coachella, na tumagal ng dalawang linggo nitong Abril sa California desert, noong nakaraang taon ng mahigit $114 million, ayon sa report ng industry watcher na Pollstar.
Hindi rin madalas na babae ang nagiging top-of-the-bill headliners ng FYF Fest dahil kadalasang lalaki ang tampok dito.
Nitong nakaraang taon, naging tampok sa FYF Fest sina Bjork at Frank Ocean.