Ni Mary Ann Santiago

Naagaw na ng Pilipinas, par­tikular na ng Iglesia ni Cristo (INC), ang bagong Guinness World Record dahil sa binuong largest human sentence.

CHARITY WALK Libu-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nakiisa sa malawakang charity walk sa kahabaan ng Roxas Boulevard, sa Maynila, sa pagtatangkang masungkit ang Guinness World Record. (ALI VICOY)

CHARITY WALK Libu-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nakiisa sa malawakang charity walk sa kahabaan ng Roxas Boulevard, sa Maynila, sa pagtatangkang masungkit ang Guinness World Record. (ALI VICOY)

Ito ay matapos dagsain ka­hapon ng mahigit isang milyong miyembro INC ang World Wide Walk for Poverty sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Ermita, Maynila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pahayag ng pamunuan ng Guinness World Records, aabot sa 23,235 ang nakibahagi sa human sentence na “Proud to be a mem­ber of Iglesia Ni Cristo.”

“You are officially amazing,” ayon kay Paulina Sapinska, Guin­ness Adjudicator, kasabay nang pag-anunsiyo na naagaw na ng INC ang bagong Guinness World Record for Largest Human Sen­tence mula sa India na nasa 16,550 lamang.

Sa record ng Manila Police District (MPD), bandang 10:00 ng umaga ay umabot na sa 1.5 mily­ong INC members ang nagtipon sa Quirino Grandstand para sa naturang aktibidad.

Kaugnay nito, naging ma­payapa naman ang pagtitipon sa pagbabantay at pagbibigay-seguridad ng libu-libong tauhan ng MPD.

Bitbit ang mga flaglets at naka­suot ng puti, nagtungo ang grupo sa Roxas Boulevard hanggang

Quirino Grandstand para sa charity walk, na isinagawa para makatu­long sa mahihirap sa Africa.

Mula pa sa iba’t ibang lugar ang mga kasapi ng INC na lumahok sa walkathon, kabilang ang mga bata at matanda.

Pagsapit ng 9:00 ng umaga, nakapagtala na ang MPD ng 20 indibiduwal na nangailangan ng medical attention matapos na ma­karamdam ng pagkahilo at pagtaas ng presyon dahil sa labis na pagod at init ng panahon.

Kabilang naman sa mga kilalang indibiduwal na nakiisa sa aktibidad sina Special Assistant to the Presi­dent (SAP)

Bong Go, Presidential Com­munications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, Senator Jayvee Ejercito Estrada, National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Camilo Pancratius Cascolan, Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, Southern Police District (SPD) Director Police Chief Supt. Tomas Apolinario at Ka Erds Codera ng INC.

Ang World Wide Walk to Fight Poverty ay sabay-sabay na isinaga­wa sa 300 lugar sa buong mundo.

Ito ang ikalawang beses na iki­nasa ang event, na unang idinaos noong 2014 para tulungan ang mga biktima ng Bagyong Yolanda.