ni Marivic Awitan

PARA tanghaling isa sa pinakamahusay, kinakailangang makipagsabayan sa pinakamagagaling na koponan sa buong daigdig ng Philippine Men’s National Football Team.

Ito ang kanilang magiging misyon sa nakatakda nilang pagsabak sa darating na AFC Asian Cup sa Enero 5-Pebrero 1 sa susunod na taon.

Matapos ang naganap na draw noong Biyernes para sa 2019 AFC Asian Cup sa Armani Hotel sa bansang Dubai napasama ang koponan na mas kilala bilang Philippine Azkals sa Group C kung saan kagrupo nila ang Kyrgyzstan, China at South Korea.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“No easy group for a debutant in this competition. We will have to be in our best form, and for this the best preparation is needed,” wika ni Azkals team manager Dan Palami.

Itinuturing na dehado ang Azkals sa kanilang grupo dahil lahat ng tatlong bansang kasama nila ay nasa top 100 ng FIFA rankings.Ang. Kyrgyzstan ay kasalukuyang no. 75, no. 73 naman ang China habang no. 61 naman ang South Korea.

Kasalukuyang may ranggong 113th ang Azkals, sa pinakahuling ranking na inilabas ng FIFA.

Ang top 2 teams sa bawat grupo ay uusad sa knockout stage kasama ng apat na best third-placed teams sa round.

Sa iba pang resulta ng naganap na draw, napunta ang defending champion Australia sa Group B kasama ng Syria, Palestine, at Jordan.

Nangunguna naman ang top-ranked Iran sa Group D kung saan kasama nila ang Iraq, Vietnam, at Yemen.

Ang Saudi Arabia naman ang syang nangunguna sa Group E na kinabibilangan din ng Qatar, Lebanon, at Korea, habang ang powerhouse Japan kasamay ang Uzbekistan, Oman, at Turkmenistan ang bumubuo sa Group F.

Samantala, ang United Arab Emirates, na syang magbubukas ng torneo kontra Bahrain,ay nasa Group A kasama ng Thailand at India .