Ni Jun Fabon

Isinugod sa ospital ang pitong kabataan nang magtae at magsuka makaraang kumain ng pizza sa Quezon City, iniulat kahapon.

Isinugod ang mga biktima, tinatayang nasa edad 9-17, sa East Avenue Medical Center matapos kumain ng pizza sa isang foodhouse sa Barangay Pag-asa, Quezon City, dakong 8:30 ng gabi kamakalawa.

Base sa imbestigasyon, nagkayayaan ang mga biktima na kumain ng pizza sa nasabing kainan sa Bgy. Pag-asa.

Makalipas ang ilang sandali, nakaramdam ng hilo ang mga biktima hanggang sa nagsuka at nagtae dahilan upang isugod ang mga ito sa naturang ospital.

'Di kami matitinag!' Gabriela Women's Party, sinagot indirect contempt case ni Topacio vs. Elago

Habang isinusulat ang balitang ito, ay nasa maayos nang kondisyon ang mga biktima.