ASAHAN ang pagdagsa ng tinaguriang ‘bayang sabungero’ sa Smart Araneta Coliseum ngayon para tunghayan ang world-class action ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2.

Tampok ang 100 sultada sa unang araw ng torneo na tinaguriang “Olympic of Sabong’.

Hatid ng Excellence Poultry and Livestock Specialists at Pit Game Media Inc., ang pasabong na ito ay sa pagtataguyod din ng Pintakasi of Champions.

Liyamado sina WSC 2 co –champions Frank Berin, Dante Eslabon at Escolin Brothers na magdidepensa ng titulo.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Palaban din si sabong idol Patrick Antonio, ang 2018 WSC 1 solo champ kasama sina runner–up Biboy Enriquez, Manny Berbano, Cris Sioson at Rey Canedo ng Team Excellence.

Sasabak din sina Dicky Lim, Eddie Araneta, James Uy, Jimmy Junsay, Wilvin Sy, Rey Briones, Jet and Joel Fernando, Boy Marzo, Paolo Malvar, Joey Sy at Madlambayan Brothers.

Ang mga dayuhang breeders ay sina Rey Alexander ng Alabama, Greg Berin ng Australia, Rene Medina ng California, Dr. Belle Almojera ng Florida, Butch Cambra ng Hawaii, Carlos Camacho ng Guam at Charly Aucena ng USA.

Inaabangan sa kalipunan ng mga dating kampeon si Thunderbird endorser Frank Berin, the back-to-back WSC winner noong 2017.

Ang Thunderbird, masugid na taga suporta ng World Slasher Cup sa mahabang panahon, ay sikat sa mga gamefowl breeders dahil sa taglay nitong winning formula at kinikilala sa malaking kontribusyon nito sa industriya ng sabong sa bansa.

Ngayon araw, susubukin ni Berin ang di pa nagagawang ikatlong sunod-sunod na pagkakampiyon. Kasama din sa mga susungkit ng korona ang mga nakaraan WSC winners na sina Dicky Lim, Biboy Enriquez, Boy Marzo, ang Escolin Brothers at Rey Briones. Ang solong nagkampiyon noong Enero na si Patrick Antonio, ay nakahanda din na ipagtanggol ang kanyang korona at magwagi ng isa pang WSC Cup.

Ang iskedyul: May 6 at 7 (2-cock elims); May 8 at 9 (3-cock semi-finals); May 11 (4 –cock finals para sa 2 to 3.5 points) at may 12 (4-cock finals para sa 4 to 5 points).

Para sa patron at box tickets, bisitahin ang Ticketnet box office sa Araneta Coliseum Circle (Yellow Gate) o tumawag sa 911-5555.