Ni NITZ MIRALLES

NAGSISISI na siguro ang netizen na nagmura at nagbanta kina Angeline Quinto, Morisette Amon at sa mother ni Angeline ngayong agarang kumilos ang singer at inireklamo ito sa Anti-CyberCrime Group ng Philippine National Police.

ANGELINE AT SARAH copy

Kasunod ng pagre-report ni Angeline ang pagsasampa ng kaso laban sa basher. Inulit ng dalaga ang sinabing, “Sabihin n’yo na ang pinakamasakit na salita sa akin, ‘wag lang sa mama ko.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, sa interview kay Angeline sa TV Patrol, binanggit niya na nakatanggap siya ng text message mula kay Sarah Geronimo na humingi ng apology dahil sa fake news na pinagtawanan daw nina Angeline at Morisette ang video ni Sarah na nang mag-breakdown ito.

Siguradong pagbalik ni Sarah from her US tour, isa sa mga una niyang gagawin ang pakikipagkita kay Angeline para pag-usapan ang nangyari.

Samantala, may official statement ang Cornerstone Entertainment Inc., ang talent management agency ni Angeline tungkol kontrobersiya.

“It has come to our attention that some netizens have been unfairly bashing Angeline Quinto for her alleged controversial reactions over the video portaying Sarah Geronimo’s emotional breakdown during her concert in Las Vegas.

“There is no truth whatsoever to the said allegations. Thus, we encourage everyone to avoid hurling unfounded accusations and derogatory statements towards the parties, which are clearly libellous, and instead, show their support to Ms. Geronimo as we can only imagine what she is going through right now. We likewise appeal to the parties who circulated the false and defamatory information to be more responsible and to desist from repeating such incident as it seriously prejudices the good reputation of the parties involved. Ms. Quinto is now exploring the possibility of charging a criminal complaint against the said parties.”