NUEVA ECIJA - Apat na lalaki, kabilang ang isang re-electionist na barangay kagawad, ang dinukot umano ng mga armado habang patungo sa sabungan sa Barangay Sinasajan sa Peñaranda, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng hapon.

Batay sa ulat ni Senior Insp. Gregorio Bautista kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Eliseo T. Tanding, nakilala ang mga dinukot na sina Nomeriano Salaysay Linsangan, 52, kagawad ng Bgy. Capalangan; Anthony Halghay Dela Rosa, 37, kabarangay ni Linsangan; Cirilo Lumibao Lacanilao, 52; at Antonio Lumibao Lacanilao, 51, kapwa ng Bgy. Pambuan, Gapan City.

Ayon sa record ng pulisya, si Lacanilao ay kilalang drug personality sa Gapan.

Nabatid na dakong 12:40 ng tanghali at sakay ang mga biktima sa tricycle (9655-CI) nang biglang harangin ng mga armadong sakay sa isang sports utility vehicle (SUV) na walang plaka, sa Bgy. Las Piñas sa Peñaranda.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ayon sa report, piniringan umano ng mga suspek ang mga biktima bago pinababa sa tricycle sa gawi ng Arayat sa Pampanga.

Narekober pa ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang abandonadong tricycle ng mga biktima. (Light A. Nolasco)