SALT LAKE CITY (AP) — Dumadagundong ang hiyawan ng Jazz fans, ngunit mas malakas ang pasabog ng Houston Rockets para sa kampanyang nakausad sa conference finals nang tambakan ang Utah Jazz tungo sa 113-92 panalo sa Game 3 ng Western Conference best-of-seven semifinals.

Pinangunahan ni James Harden ang Rockets na may 25 puntos at 12 assists para sa 2-1 bentahe ng Houston.

Tumipa si Eric Gordon ng 25 puntos at kumubra si Chris Paul ng 15 puntos, pitong rebounds at anim na assists para sa Rockets. Ginapi ng Houston ang Utah sa Salt Lake City sa ikatlong pagkakataon ngayong season.

Gaganapin ang Game sa Salt Lake City sa Linggo (Lunes sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna si Royce O’ Neale sa Jazz sa naiskor na 17 puntos, habang nag-ambag sina Alec Burks at Rudy Gobert ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagkalat ang Jazz sa harap nang nagbubunying home crowd sa natamong 16 turnover kung saan nakuhang makaiskor ng Rockets sa 19 puntos.

Mainit ang simula sa Hpuston 15-5 at rumatsada sa pinakamalaking abanthe sa 30 puntos sa kaagahan ng third period.

Nagawang maibaba ng Utah ang bentahe ng Houston, 49-34, sa kalagitnaan ng second period tampok ang anim sa 9-0 run mula kay O’ Neale, ngunit hindi nagpabaya ang Rockets na gumawa ng sariling scoring run para palobohin ang abante.

PELICANS 119, WARRIORS 100

Sa New Orleans, naglatag ng matinding depensa ang Pelicans para malimitahan ang outside shooting ng Golden State Warriors at mailapit ang bentahe sa 1-2 ng kanilang Western Conference semifinals.

Hataw si Anthony Davis sa naisalansan na 33 puntos, 18 rebounds at apat na steals, para biguin ang Warriors sa planong walisin ang serye sa kanilang muling pagsampa sa conference finals.

Nadomina ni Davis ang laro kung saan walang makapigil sa kanyang driving play, put back ay alley-oop dunk.

Nag-ambag si Jrue Holiday ng 21 puntos para sa New Orleans, habang tumipa si Ian Clark ng 18 puntos mula sa bench.

Nanguna si Klay Thompson sa Warriors na may 26 puntos mula sa malamyang 3 of 22 shots, habang kumana si Stephen Curry, ikalawang laro mula nang ma-sidelined sa injury, ng 19 puntos mula sa 13 of 19 shots. Kumubra si Kevin Durant ng 22 puntos.

Sablay ang outside shooting ng Warriors sa 22 of 31 sa 3-point attempts para sa 38 percent shooting (35 of 92) overall.