Ni REGGEE BONOAN

NAAWA kami kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairmanperson Liza Diño sa media conference para sa announcement ng mga nominado sa 66th FAMAS awards night dahil siya ang nadiin sa kapalpakang hindi naman siya ang may kasalanan.

LIZA copy

Humingi ng tulong sa kanya ang mga taong nasa likod ng FAMAS para sa mediacon dahil walang masyadong kilalang taga-media.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ang naging papel lang ni Chairman (Liza) ay suportahan ang FAMAS tulad ng pagsuporta niya sa Urian, FAP at Metro Manila Fim Festival since FDCP head siya.

“’Yung staff niya ang nag-imbita ng media para sa FAMAS mediacon para sa announcement ng nominees, eh, paalis na ‘yung media dahil may mga deadline pa, walang maibigay na press release kasi pini-print pa raw kaya ‘yung mga press, naloka sa staff ng FAMAS kasi disorganized,” kuwento sa amin ng taga-FDCP.

Nakita namin ang mga senaryong ito, na bukod sa masikip ang venue kaya nagsiksikan ang halos 100 imbitado na pawisan lahat dahil hindi kinaya ng aircon.

Hindi kami nakatagal sa venue, Bossing DMB at sa sobrang tagal ng press release ay umalis na kami bago pa uminit ang ulo namin, tulad ng ibang kasamahan natin sa panulat.

Namumula naman sa hiya si Ms. Liza sa mga nangyari kaya humingi siya ng dispensa sa mga katotong naiwan doon.

Nagtanung-tanong kami at nalaman na bago ang producer ng FAMAS awards na si Ms. Madonna Sanchez kaya marahil hindi pa kabisado ang paghawak sa ganoong event na ipinagkatiwala sa mga baguhan ding staff.

Anyway, alang-alang kay Ms. Liza Diño ay inilalabas namin ang mga nominado sa 66th FAMAS awards na gaganapin sa Hunyo 10 sa The Theater Solaire.

Best Actress

Iza Calzado - Bliss ; Maja Salvador - I’m Drunk, I Love You; Agot Isidro – Changing Partners; Max Eigenmann – Kulay Lila Ang Gabi Na Binudburan Pa Ng Mga Bituin; Julia Barretto - Love You To The Stars And Back; Gloria Diaz –Si Chedeng At Si Apple; Nathalie Hart - Historiographika Errata at Dexter Doria – Paki

Best Actor

Dingdong Dantes – Seven Sundays; Jojit Lorenzo – Changing Partners; Abra – Respeto; Justine Samson - Balangiga: Howling Wilderness; Nonie Buencamino - Smaller And Smaller Circles; Bembol Roco – What Home Feels Like; Allen Dizon – Bomba; Noel Comia, Jr. – Kiko Boksingero; Joshua Garcia – Love You To The Stars And Back at Timothy Castillo – Neomanila

Best Supporting Actress

Odette Khan – Barboys; Chai Fonacier – Respeto; Adrienne Vergara – Bliss; Irma Adlawan – What Home Feels Like; Thea Yrastorza – Respeto; Angellie Nicholle Sanoy - Bomba; Yayo Aguila - Kiko Boksingero; Cristine Reyes –Seven Sundays

Best Supporting Actor

Dido de la Paz – Respeto; Aga Muhlach – Seven Sundays; John Arcilla –Birdshot; Robert Arevalo – Ang Larawan; Edgar Allan Guzman - Deadma Walking; Mon Confiado –Mga Gabing Kasinghaba Ng Hair Ko; Ricky Davao – Paki; Loonie – Respeto at Jess Mendoza -- Sa Gabing Nanahimik Ang Mga Kuliglig

Best Picture

Respeto; Birdshot; Ang Larawan; Tu Pug Imatuy (The Right to Kill); Love You To The Stars and Back; Balangiga, Howling Wilderness; The Chanters, at Yield.

Best Director

Treb Monteras – Respeto; Mikhail Red – Birdshot; Arnel Barbarona – Tu Pug Imatuy (The Right To Kill); Antoinette Jadaone – Love You To The Stars And Back; Thop Nazareno – Kiko Boksingero; Khavn de la Cruz – Balangiga: Howling Wilderness; Shireen Seno – Nervous Translation at Victor Delotavo Tagaro at Toshiko Uriu – Yield.

Best Cinematography

T.M. Malones, Baconaua, Albert Banzon – Balangiga: Howling Wilderness; Mycko David – Birdshot; Alex Espartero – Historiographika, Errata; Boy Yñiguez – Last Night; Ike Avellana – Respeto at Victor Delotavo Tagaro – Yield

Best Production Design

Jao Manahan-Alipato Gino Gonzales – Ang Larawan; Marija Vicente, Timmy Harn at Zeus Bascon – Balangiga: Howling Wilderness; Michael N. Espanol – Birdshot; Donald Camon, Julius Erving Somes – Historiographika, Errata; Leeroy New – Nervous Translation at Popo Diaz – Respeto

Best Editing

Carlo Francisco Manatad – Balangiga: Howling Wilderness; Lawrence Ang – Respeto; Jerrold Tarog – Bliss; Marya Ignacio – Changing Partners; John Torres, Shireen Seño – Nervous Translation at Victor Delotavo Tagaro – Yield

Best Sound

Mikko Quizon , Stephen Lopez – Balangiga: Howling Wilderness; Aian Caro – Birdshot; Mikko Quizon - Bliss; Dempster Samarista / Krysver Gomez –Bundok Banahaw Sacred And Profane; Mikko Quizon, Jason Conanan , Kathrine Salinas, John Perez – Nervous Translation; Corrine de San Jose – Respeto at Victor Delotavo Tagaro –Yield

Best Musical Score

Ryan Cayabyab – Ang Larawan; Khavn dela Cruz – Balangiga: Howling Wilderness; Francis de Veyra – Historiographika, Errata; Joee Mejias – Medusae; Jay Oliver Durias – Respeto; Alyana Cabral – The Debutantes at Arnel Barbaron – Tu Pug Imatuy ( The Right To Kill )

Best Visual Effects

Lar Arondaing – Instalado; Mothership – The Ghost Bride at Imaginary Friends Studios – Pwera Usog

Best Original Song

Twelve – 12; Ang Panday – Ang Panday; Gitik –Gitik – Balangiga: Howling Wilderness; Katurog Na -Balangiga: Howling Wilderness; Yung Pakiramdam –Changing Partners; Alaalarawan – Kiko Boksingero,; Para Sa Respeto – Respeto at Kabuwisit Ba – Respeto at Last Message From Earth – Alipato Theme From Histonographica.