BAGHDAD (AFP) – Ang Iraqi journalist na naging laman ng mga balita nang batuhin niya ng sapatos si dating US President George W. Bush ay tatakbo sa parliament sa darating na halalan.

‘’My ambition is to throw all the thieving politicians in prison, make them regret what they have done and confiscate their wealth,’’ sinabi ni Muntazer al-Zaidi, 39, sa AFP bago ang eleksiyon sa Mayo 12.

Nakilala si Zaidi noong Disyembre 2008 nang tumayo siya sa farewell press conference ni Bush sa Baghdad, at ibinato ang kanyang sapatos sa US leader.

Hindi man niya natamaan si Bush na nagpasimuno ng Iraq invasion, siyam na buwang ikinulong si Zaidi dahil sa pag-atake sa isang head of state, itinuring naman siyang bayani ng Arab world.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’I don’t regret what I did, on the contrary, I just regret that at that moment I didn’t have another pair of shoes,’’ sinabi ni Zaidi, na tumatakbo para sa alyansa ng Shiite cleric na si Moqtada Sadr at ng mga komunista.