Ni Edwin Rollon
HINDI maikakaila ang kahalagahan ng alumni sports, gaya ng ERJHS Alumni Sports Club Battle of the Generations: Team 80s vs Team 90s basketball at volleyball tournaments.
Sa katunayan, malaki ang naitutulong nito para isulong ang sports for all, lalong-lalo na sa mga kabataan.
"Ang mga alumni-athletes, na patuloy na aktibo sa sports anuman ang kanilang edad, ay magandang halimbawa sa mga kabataan upang mapanatili ang kanilang malusog na buhay at malayo sa anumang masamang impluwensya," pahayag ni ERJHS Alumni Sports Club adviser Rene Baena sa kanyang mensahe sa mga guests at participants sa alumni sportsfest na ginanap sa Barangay N. S. Amoranto covered courts sa Malaya St., Quezon City.
"Sa sports, walang panalo at walang talo, gaya dito sa ERHHS alumni spirtsfest," sagsag pa ni Barna sa kanyang maikling mensahe na binasa ni ERJHS ASC president Ed Andaya ng Batch 81.
Namayani ang Team 90s laban sa Team 80s sa basketball at volleyball tournaments na itinaguyod din nina Quezon City Councilor Onyx Crisologo, Barangay Amoranto Chairman Von Yalong, Roberto Castor Rover Scouts, Batch 71, Batch 73, Batch 81 at Batch 94.
Nahirang na Most Valuable Players sina Joseph Magpantay ng Batch 95 sa basketball at Mamei Apinado ng Batch 94 sa volleyball.
Kabilang sa mga dumalo sa awarding ceremony sina Beth Veran, Lito Fernandez at Eric Casem ng Batch 71, Chit Jandusay, Schubert Quilinquin at Manding Magpayo ng Batch 73, Gemma Gabriel, Trinidad Villanueva, Antoinette Santiano Cruz, Liza Caperal, Rhodora Daplas at Roland Doncillo ng Batch 81, Albert Andaya ng Batch 85, ASC adviser Zeny Castor at Fe Castor-Pangan ng RCRS.
Ang naturang basketball at volleyball competitions ay isinagawa matapos ang naging matagumpay ding “Learn and Play Chess with Asia’s first GM Eugene Torre na itinaguyod ng ASC, dating ERJHS Alumni head Jess Asistin at Batch 68 nun Pebrero.