Ni Tara Yap

Apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa dalawang magkahiwalay na engkwentro laban sa puwersa ng gobyerno sa Western Visayas.

Inihayag ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-6, na tatlo sa apat na napatay na rebelde ang mula sa Calatrava, Negros Occidental.

Ito ay nang makaengkuwentro ng 605th Mobile Company-Regional Mobile Force Battalion nitong Biyernes ang nasabing mga rebelde.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Napatay naman ang ikaapat na rebelde sa Miag-ao town, Iloilo, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Captain Eduardo Precioso Jr., kinatawan ng 3rd Infantry Division (3ID), na binawian ng buhay ang suspek sa sampung minutong bakbakan sa Sitio Anoy sa Barangay Cabalunan.