PNA/WHO PR

TINATAYANG nasa 2.2 milyon ng kabuuang 7 milyong kaso ng pagkamatay sa polusyon kada taon ay mula sa Kanlurang Pasipiko, ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa ulat ng WHO nitong Miyerkules, ipinapakita ng bagong pagtataya na siyam sa bawat 10 tao sa buong mundo ang nakalalanghap ng hangin na may mataas na lebel ng nakalalasong kemikal.

Sa 2.2 milyong kaso ng pagkamatay na may kaugnayan sa air pollution sa rehiyon noong 2016, 29 porsiyento ay dahil sa sakit sa puso; 27% sa stroke; 22 % sa chronic obstructive pulmonary disease; 14% sa lung cancer; at 8% naman sa pneumonia.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

“Air pollution is the most lethal environmental health threat in our region, and it affects people in middle-income countries at a much higher rate than those in high-income countries,” pahayag ni, WHO Regional Director for the Western Pacific Dr. Shin Young-soo.

“Addressing air pollution and climate change are top priorities for WHO in the Western Pacific Region, but they are not challenges that individuals or the health sector alone can solve. We need urgent action across energy, agriculture, transport, housing and beyond to ensure a healthy and sustainable future,” aniya.

Ayon sa WHO, ang ‘ambient air pollution’ ay binubuo ng “fine particute matter” kabilang ang sulfate, nitrates at black carbon, na maaaring makasama sa kalusugan.

Naaapektuhan nito ang urban at rural na mga lugar, na kadalasang nagmumula sa hindi tamang paggamit ng mga enerhiya sa bahay, industriya, sektor ng agrikultura at transportasyon at mga coal-fired power plants. Gayundin sa mga buhangin, alikabok, basurang nasunog, at deforestation.

Sa kabilang banda, ang ‘household air pollution’ ay nanggagaling sa paggamit ng Kerosene, kahoy bilang panggatong, at lampara.

Mahigit sa 40% ng kabuuang populasyon sa mundo ang walang nagagamit na malinis na langis pangluto at teknolohiya sa kanilang mga tahanan. Habang ang mga bata at babae ang pinakanaaapektuhan nito.

“Air pollution threatens us all, but the poorest and most marginalized people bear the brunt of the burden,” ayon kay Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, WHO director general.

Pinaalalahanan din niya na kung hindi mabibigyan ng agarang aksiyon, “we will never come close to achieving sustainable development.”