Ni NITZ MIRALLES

“MAHABA ang buhok ni Adele, maraming nagkakagusto,” description ni Sheryl Cruz sa role niya bilang si Adele Raymundo sa My Guitar Princess.

SHERYL_please crop copy

“Masaya ang karakter ko rito, pinag-aagawan ako. I’m in love with my character as a former soul diva at ina ni Celina (Julie Anne San Jose). May hindi magandang nangyari sa buhay niya before, kaya hate ni Adele ang music at kaya ayaw niyang maging singer ang anak. Ang daming aral na makukuha sa relationship namin ni Celina rito,” kuwento ni Sheryl.

Tsika at Intriga

Kris kumambyo, inedit post tungkol sa hiwalayan nila ng ex-jowang doktor

Gaya nina Julie Anne, Gil Cuerva, Kiko Estrada at ibang cast ng My Guitar Princess, excited na rin ni Sheryl sa pilot ng show sa Monday, May 7, bago mag-Eat Bulaga. Mula ito sa direction ni Nick Olanka.

Samantala, hindi pa man sigurado si Sheryl Cruz na tatakbong konsehal sa isang distrito sa Manila, may mga namba-bash na sa kanya. Susundan daw pala niya ang cousin niyang si Sen. Grace Poe sa pagpasok sa pulitika.

“I’m not denying nor am I confirming, but the thing is... may bahay kami doon sa Gagalangain (sa Tondo). Pinag-aaralan ko pa, wala pang definite... but the thing is, kung iyan ang gusto sa akin ng Diyos, di ba? Na magsilbi para sa tao, di ba? At nasa edad naman ako at may kapasidad ako na gawin iyon,” pahayag ni Sheryl.