Ni REGGEE BONOAN

NAGPAHAYAG si Ms. Liza Diño, chairman and chief executive officer ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa media conference ng ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na umaasa siyang maaabot ang P200M na goal nilang kikitaan ng festival sa Agosto.

LIZA AT DIREK CARLITOS copy

Noong unang taon ay kumita ang PPP ng P170M, kaya ngayon ay mas mataas ang target income nila.

“Of course, it’s always something that we all aspire for,” sabi ni Ms. Diño. “But at the same time, it’s all working together. We have to find good films and make sure that all our filmmakers are on board and really maximize promotions.”

Relasyon at Hiwalayan

Belle, umamin: Soulmate si Donny!

Klinaro rin niya na ang mga pelikulang kasali sa PPP ay open sa lahat ng genre at walang limitasyon kumpara sa taunang Metro Manila Film Festival.

“With us, this is a platform for exhibition. It’s really an industry event nationwide. Marami nang nagbigay ng interests na magsa-submit sila ng films.

“It’s about time na regional films can also make genre films. Independent films can make films that are quality not just local but also global. Right now, we’re very happy na ‘yung independent producers na nagbigay ng interest ay quality ang slate ng films,” pahayag niya.

Maraming independent producers ang gustong sumali dahil mas malaki ang tsansang kumita ang entry nila. Wala kasing ipalalabas na foreign films sa lahat ng sinehan habang isinasagawa ang festival.

Sa Hulyo 5 malalaman kung anu-anong pelikula ang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood simula Agosto 15 hanggang 21. Kasama rin sa PPP ang Sine Kabataan na pangungunahan naman ng asawa niyang si Ice (Aiza) Seguerra.

Ang mga miyembro ng selection committee ay sina Manet Dayrit, film editor; Lee Briones, cinematographer; directors Joey Reyes at Carlitos Siguion-Reyna, at si Ms. Cherrie Gil.

Maganda ang record ni Liza Diño bilang pinuno ng FDCP at magaganda ang mga proyekto niya, kaya marami ang pumupuri. Hayun, natanong tuloy siya kung may plano siyang pumasok sa pulitika tulad ng amang si Martin Dino.

“Mas gusto kong tumulong sa movie industry kesa maging pulitiko,” mabilis na sagot ng FDCP chairperson.